dzme1530.ph

KLASE SA MGA PAARALAN SA IBA’T IBANG LUGAR, SINUSPINDE DAHIL SA BAGYONG INDAY

Loading

Iba’t ibang local government units ang nagsuspinde ng klase ngayong Biyernes, July 10, dahil sa banta ng epekto ng Bagyong Inday at habagat.
 
Kabilang sa mga nagsuspinde ng klase, all levels, public and private, ang Las Piñas, Marikina, Parañaque, Caloocan, Malabon, at Valenzuela.
 
Suspendido rin ang pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Navotas mula pre-school hanggang senior high school.
 
Kanselado rin ang face-to-face classes mula Kinder hanggang senior high school sa public at private schools sa Maynila.
 
Wala ring face-to-face classes sa pre-school hanggang Grade 12 at ALS, sa public and private schools sa Mandaluyong.
 
Kagabi pa lamang ay nauna nang nag-anunsyo ng class suspension, all levels, public and private, sa mga lalawigan ng Aurora, gayundin sa Basista at Lingayen sa Pangasinan.

About The Author