dzme1530.ph

CREAMLINE, WAGI KONTRA NXLED SA PVL ON TOUR SA ISABELA

Loading

Pinangunahan ni Michelle Gumabao ang Creamline kung saan pinadapa ng koponan ang Nxled, sa score na 25-18, 25-23, 16-25, 25-19, sa PVL On Tour sa Ilagan, Isabela.
 
Nakapagtala ang veteran opposite hitter ng 18 points, kabilang ang tatlo sa final stretch ng Set 4, para makuha ang panalo sa pagsisimula ng kanilang bagong kampanya.
 
Nag-ambag naman si Lorie Bernardo ng 13 points habang gumawa sina Jema Galanza at Rosemarie Vargas ng tig-8 markers para padapain ang Chameleons.
 
Samantala, si MJ Phillips naman ang nanguna sa Nxled sa kanyang 13 points habang nakapagtala si EJ Carino ng 12 points at 14 receptions.

About The Author