dzme1530.ph

RESERBANG DOLYAR NG PILIPINAS, PUMALO SA 3-MONTH HIGH NOONG HUNYO

Loading

Umakyat sa three-month high ang Gross International Reserves (GIR) ng Pilipinas noong Hunyo, matapos tumaas ang deposito ng National Government sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) habang lumago ang income mula sa overseas investments.
 
Sa datos na nilabas ng central bank, umabot sa 104.803 billion dollars ang GIR o ang sukatan ng abilidad na makabayad ng import at service at foreign debt.
 
Mas mataas ito kumpara sa 103.987 billion dollars noong Mayo, subalit mas mababa sa 105.998 billion dollars na naitala noong June 2025.
 
Pinakamataas din ito sa loob ng tatlong buwan simula nang maitala ang GIR sa 106.636 billion dollars noong Marso.

About The Author