dzme1530.ph

MARY GRACE PIATTOS, MATERIAL WITNESS SA ISYU NG MISUSED OF CONFIDENTIAL FUNDS

Loading

Para kay Manila Cong. Joel Chua, “material witness” si Mary Grace Piattos sa isyu ng maling paggamit ng confidential funds.
 
Ayon kay Chua, lead prosecutor sa Article 1 o Misused of Confidential Funds, gusto nilang makaharap ng personal si Mary Grace Piattos kaya ito nakalista sa pre-trial brief.
 
Kung lumutang ito sa impeachment trial, kanila umano itong iko-cross examine.
 
At kung hindi naman magpakita, ibig sabihin “bogus” talaga si Mary Grace Piattos at inimbento lamang ang pangalan bilang recipient ng confidential funds.
 
Hindi naman nababahala si Chua sakaling kwestyunin ito ng defense team sa katwirang sila ang nagpalutang ng pangalang Mary Grace Piattos sa pagdinig dati ng House Committee on Good Gov’t and Public Accountability.
 
Kung igiit naman ng kampo ni VP Sara na “code name” lamang ang pangalan, hamon din ito sa defense team para ilabas ang taong totoong tumanggap ng confidential funds.
 
Maaari din naman aniyang gawing ‘commom witness’ si Mary Grace Piattos.

About The Author