![]()
Ibinasura ng Sandiganbayan 5th Division ang motions na inihain ni Sen. Jinggoy Estrada na i-consolidate ang kanyang plunder at graft cases na pending sa dalawang dibisyon.
Inaresto si Estrada noong June 1 matapos boluntaryong sumuko para sa kanyang non-bailable na plunder case kaugnay ng flood control controversy.
Kasunod ito ng paglalabas ng anti-graft court ng warrant sa senador, ilang araw matapos itong maglagak ng piyansa para sa hiwalay na kasong graft.
Si Estrada ay kasalukuyang naka-detain sa New Quezon City Jail sa Payatas.
