dzme1530.ph

SUSPENSYON KAY SEN JINGGOY ESTRADA, EPEKTIBO NA; KONDISYON NG KANYANG MGA TAUHAN, PINAG-AARALAN

Loading

KINUMPIRMA ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. na ipinatutupad na nila ang suspension order ng Sandiganbayan kay Senador Jinggoy Estrada simula noong Lunes, June 22.
 
Ito ay may kinalaman sa mga kasong kinakaharap ni Estrada kaugnay sa anomalya sa flood control projects.
 
Sinabi ni Bantug na nagpadala na si Senate President Sherwin Gatchalian sa tanggapan ni Estrada para sa pagpapatupad ng 90 araw na suspensyon.
 
Dahil dito, suspendido rin ang sweldo at mga benepisyo ni Estrada, kasama na rin ang kanyang pagganap sa tungkulin bilang senator-judge.
 
Nilinaw niyang hindi masususpinde ang operasyon ng tanggapan ni Estrada, subalit magsusumite siya ng rekomendasyon kay Senate President kaugnay sa kondisyon ng kanyang mga tauhan.

About The Author