![]()
Umaasa ang House Prosecution Team na matatapos ngayong araw na ito ang pre-trial conference sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na sisikapin nilang matapos ang pre-marking ng mga natitira pang ebidensya sa dalawa pang articles of impeachment na tumutukoy sa paggamit ng confidential fund at unexplained wealth.
Muli naman aniya nilang isusulong ang hiling na buksan na ang kahon mula sa Bureau of Internal Revenue kapag isinalang na ito para sa pre-marking.