dzme1530.ph

THOMAS PLUMB NG ENGLAND, NANGUNA SA LEADERBOARD SA UNANG ROUND NG 2026 BINGOPLUS PHILIPPINES ADT OPEN

Loading

Isang mainit na tapatan ang naganap kahapon sa 2026 BingoPlus Philippine ADT Open sa Luisita Golf and Country Club sa Tarlac City, kung saan sumalubong agad ang bakbakan sa mga players sa unang round.

Matapos ang buong araw kahapon, nanguna sa leaderboard si Thomas Plumb ng England matapos magpakita ng eight-under-par 64.

Pumangalawa naman sa si Su Ching-Hung ng Chinese Taipei na may seven-under-par 65.

Samantala, ang apat na manlalaro na nasa ikatlong pwesto at may magkakaparehong six-under-par 66, ay kinabibilangan nina Naoki Sekito ng Japan, Marcus Lim ng Malaysia, Jaeil Kim ng South Korea, at Kelvin Si ng Macao.

Sa kabilang banda, buhay na buhay pa rin ang pag-asa ng Pinoy players, sa pangunguna nina James Ryan Lam at Sean Ramos.

Sila ay nagpakita ng matatag na four-under-par 68 para sa ika-syam na pwesto.

Inaasahang mas magiging exciting pa ang second round mamaya sa pagpapatuloy ng tournament.

About The Author