dzme1530.ph

PANUKALANG 2026 SUPPLEMENTAL APPROPRIATION, INIHAIN DIN NI LANAO DEL SUR REP. ADIONG

Loading

Inihain din ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang panukalang 2026 supplemental appropriation upang matugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.

Ayon kay Adiong, mahalagang magkaroon ng karagdagang pondo upang mapabilis ang relief, rehabilitation, at reconstruction efforts sa mga lalawigan at lungsod na labis na napinsala ng kalamidad.

Sinabi ng mambabatas na dapat tiyakin ng pamahalaan na may sapat na resources para sa pagpapatayo at pagkukumpuni ng mga nasirang imprastraktura, kabilang ang mga paaralan, ospital, kalsada, at iba pang pasilidad na mahalaga sa mga komunidad.

Binigyang-diin din ni Adiong na kinakailangang mabigyan ng agarang suporta ang mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa malakas na lindol.

Aniya, ang supplemental appropriation ay magsisilbing mahalagang hakbang upang mapabilis ang pagbangon ng mga apektadong lugar at mamamayan.

About The Author