dzme1530.ph

TOM HOLLAND, KINUMPIRMANG KASAL NA KAY ZENDAYA

Loading

Kinumpirma ni Tom Holland na kasal na siya sa longtime partner na si Zendaya.
 
Nangyari ang pag-amin sa kanyang interview kamakailan sa Esquire, kung saan tinanong siya tungkol sa artificial intelligence (AI)-generated images ng kanilang kasal na kumalat sa social media.
 
Ibinahagi ng aktor na napasama ang kanyang lola sa viral AI images at inakala nitong hindi ito inimbitahan sa kasal ng apo.
 
Nang tanungin naman si Tom kung nakausap nito ang iba pang miyembro ng pamilya, sinabi nitong hindi dahil lahat naman sila ay dumalo.
 
Nanatili namang tikom ang bibig ng Spider-Man actor sa detalye ng kanilang kasal ni Zendaya.

About The Author