dzme1530.ph

DAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO, ASAHAN BUKAS, AYON SA DOE

Loading

Asahan ng mga motorista ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, bukas.
 
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang paggalaw sa presyo ng oil products ay depende sa fuel retailer at kanilang lokasyon, kung mas malapit o mas malayo sila mula sa depots.
 
Sinabi ng DOE na posible ang ₱0.32 na bawas o ₱1.68 na dagdag sa kada litro ng gasolina.
 
Tinaya naman sa ₱3.71 hanggang ₱5.71 ang rollback sa kada litro ng diesel.
 
Habang ₱0.50 hanggang ₱2.50 ang ibababa sa kada litro ng kerosene o gaas.
 
Epektibo ang adjustments bukas ng alas-6 ng umaga.

About The Author