dzme1530.ph

GULO SA SENATE LEADERSHIP, POSIBLENG MARESOLBA NA SA SPECIAL SESSION

Loading

UMAASA ang ilang miyembro ng Senate Majority Bloc na mareresolba na ang isyu sa liderato sa Senado sa special session sa Miyerkules.
 
Sinabi ni Senador Erwin Tulfo na umaasa siyang pagdating ng Miyerkules ay mayroon na silang 13 na susuporta kay Senador Sherwin Gatchalian bilang lider ng Senado.
 
Pinanghahawakan ni Tulfo ang pangako ni Senador Alan Peter Cayetano na bibitiw na siya sa ipinaglalabang pwesto kung makabuo na ng 13 ang kabilang panig.
 
Bagama’t hindi pa rin malinaw ang posisyon ni Senador Joel Villanueva, ikinatutuwa na nila ang commitment nitong dumalo sa special session.
 
Kinumpirma pa ni Tulfo na may dalawa pang senador ang patuloy na kinakausap upang makuha sa kanilang panig.
 
Nagpahiwatig naman si Senador Panfilo Ping Lacson na sa special session sa Miyerkules, ang “delulu pa more” ay magiging “delulu no more.”
 
Nais nitong ipakahulugan na matatapos na ang mga isyu sa Senado sa pagharap nila sa special session.

About The Author