dzme1530.ph

18 DATING BODYGUARDS NI DATING CONG ZALDY CO, HINAMONG MAGLATAG NG MGA EBIDENSYA SA MGA ALEGASYON

Loading

Hinamon ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co na maglabas ng mga ebidensya na tumanggap siya ng maleta-maletang pera.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Adiong na bibigyan niya ng pagkakataon sa tamang forum ang 18 bodyguards upang patunayan ang mga alegasyon sa kanya.
 
Sinabi ni Adiong na hindi siya kuntento na i-deny lang niya ito sa publiko kaya’t naghain siya ng cyberlibel complaints.

About The Author