dzme1530.ph

20 BARIL NI SENADOR RONALD DELA ROSA, ISINUKO NA SA PNP

Loading

Isinuko na sa Philippine National Police ng kampo ni Senador Ronald dela Rosa ang dalawampung baril na nakapangalan sa kanya.
 
Ang mga armas ay nakarehistro sa address ng senador sa Barangay Ma-a sa Davao City na isinuko ng legal representative sa PNP Regional Civil Security Unit sa Region 11.
 
Matatandaang noong May 27, nirevoke na ng PNP ang lisensya ng mga baril ni dela Rosa na nahaharap sa arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court.
 
Ang kautusan ay inilabas ng PNP Firearms and Explosives Office dahil sa kinakaharap na kasong kriminal na may katumbas na penalty na mahigit dalawang taong pagkakakulong.
 
Sa ilalim ng kautusan ng FEO, saklaw ang 117 na baril na nakarehistro sa pangalan ni dela Rosa.

About The Author