dzme1530.ph

LIGAL NA AKSYON LABAN KAY DAVAO CITY MAYOR BASTE DUTERTE, PINAG-AARALAN NA NG DENR

Loading

Pinag-aaralan na ng Department of Environment and Natural Resources ang pagsasagawa ng ligal na aksyon laban kay Davao City Mayor Sebastian Duterte nang atasan ang publiko na itapon sa harapan ng tanggapan ng ahensya ang kanilang mga basura.
 
Ito ay makaraang ipasara ng DENR ang sanitary landfill sa lungsod matapos ang trashslide.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Atty. Norlito Eneran, Assistant Secretary for Legal Affairs, Enforcement, Human Resources & Field Operations ng DENR-Luzon, na may mga paglabag sa batas ang aksyon ng alkalde.
 
Sinabi ni Eneran na matagal na dapat isinara ang landfill at may bago nang bubuksan ng DENR bukas.

About The Author