![]()
Bumabagsak ang net satisfaction rating ng halos lahat ng institusyon ng pamahalaan at mga opisyal ng gobyerno dahil patuloy na naghihirap ang bansa.
Sa panayam ng ME Radio TV, aminado si Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation, na nakakadismaya na sa kabila ng mga kinakaharap na kahirapan ay may kanya-kanya pa ring interes na inuuna ang ilang mga pulitiko.
Ipinaalala rin ni Africa na hindi magiging malaya ang Pilipinas kung patuloy na nakaasa sa mga imported na produkto at iba pang panlabas na usapin.
