dzme1530.ph

SENADO, NASA HEIGHTENED SECURITY

Loading

Ipinatutupad ng Senado ang heightened security sa gitna ng impormasyon na may banta sa seguridad.
 
Sa memorandum na ipinalabas ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian, ipinaliwanag ang mga ipinatutupad na heightened security at preventive safety protocols.
 
Kabilang sa ipinag-uutos ang mas malawak na screening at inspection sa mga pumapasok na tao, sasakyan at anumang bagay sa loob ng Senado,
 
Pinadaragdagan din ang security personnel na nagbabantay sa loob at labas ng Senado; bukod pa sa ipinatutupad na close coordination sa mga law enforcement, intelligence, military at emergency-response agencies.
 
Kasama rin sa protocol ang pagprotekta sa mga dokumento at records ng Senado; at ang pagpapatupad ng pansamantalang no-visitor policy.
 
Hinihikayat din ang mga tanggapan sa Senado na magsagawa ng mga meeting virtually kung pwede at ang paggamit ng telephone, email o video conferencing platform.
 
Sinabi naman ni Senate Sgt. at Arms Alfred Corpus na patuloy pa ang beripikasyon nila sa naturang banta subalit mas mabuti nang nagpapatupad ng precautionary measures.

About The Author