dzme1530.ph

CONG. BENNY ABANTE, DINEMANDA NG CYBERLIBEL AT LIBEL ANG 18 MALETA BOYS, KANILANG ABOGADO, AT ISANG MEDIA ENTITY

Loading

Sinampahan na ng kasong cyber libel at libel ni Manila 6th Dist. Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa Department of Justice si Atty. Levito Baligod, ang 18 maleta boys at media entity na DWSI 846.
 
Ang kaso ay nag-ugat sa pag-uugnay kay Abante sa pagtanggap umano nito ng male-maletang pera.
 
Sa complaint affidavit ni Abante, mariin nitong itinanggi ang akusasyon nina Baligod at 18 maleta boys sa isang press conference noong February 24, na ipinalabas din ng DWSI sa kanilang Facebook page.
 
Tinawag ni Abante na “libelous salaysay at libelous post” ang mga nangyari noong Feb. 24 dahil lahat ng impormasyon ay “incorrect, baseless, and/or misleading allegations.”
 
Ayon sa chairman ng House Committee on Human Rights, malinaw sa mga ebidensya ang prima facie basis para panagutin ang mga respondents sa kasong cyber libel at libel.

About The Author