![]()
Matapos ang malakas na lindol noong Lunes sa Mindanao, agad nagkaloob ng tulong ang Tingog Party-list sa mga apektadong residente sa General Santos City.
Kahapon din, June 8 nag-mobilize ng team ang Tingog Center Tacurong at Tingog Center General Santos para maghatid ng tulong sa mga apektadong lugar.
Mahigit 300 relief packs na may ready-to-eat food and bottled water ang ipinamahagi agad sa first critical hour matapos ang 7.8 magnitude na lindol.
Kabilang sa hinatiran ng maagang relief operations ay ang Sarangani Bay Specialist Medical Center at R. O. Diagan Cooperative Hospital.
Naghatid rin ang Tingog ng ready-to-eat meals sa Bureau of Fire Protection at Barangay Dadiangas East personnel na tuloy-tuloy sa kanilang response efforts sa ground.
Nagpapatuloy pa rin ang relief effort ng Tingog bagaman at may ilan sa kanilang miyembro at volunteers ay naapektuhan din ng malakas na pagyanig.
