![]()
Nakatakdang mag-uwi ang Filipina tennis ace na si Alex Eala ng mahigit ₱2 million na premyo matapos masungkit ang titulo sa Birmingham Open sa England.
Pinadapa ng 21-anyos na Pinay ang Czech star na si Nikola Bartunkova, 5-7, 6-3, 7-5, para makuha ang kanyang ikalawang WTA title.
Tinapos din ng pagkapanalo ni Eala ang tinaguriang “Czech curse,” dahil napabagsak nito ang Czech opponent matapos matalo ng 13 matches laban sa mga player mula sa naturang powerhouse nation.
Ang tagumpay ng Pinay tennis sensation ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong makabawi sa mahirap na serye ng mga laro sa clay court, kung saan dumaan siya sa sunod-sunod na early exits at setbacks.
