dzme1530.ph

BANTA SA SEGURIDAD NG SENADO, KINUMPIRMA

Loading

IBINUNYAG ngayon ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian na may banta sa seguridad ng Senado kaya’t nagpapatupad sila ngayon ng adjustment sa seguridad.
 
Sinabi ni Gatchalian na batay sa impormasyon na kanilang natanggap mula sa mga awtoridad kasama na mula sa National Bureau of Investigation ay posibleng malagay sa panganib ag seguridad sa Senado
 
Gayunman sinabi ni Gatchalian na hindi niya maisisiwalat ang detalye ng intelligence information
 
Sinabi ng senador na kailangan nilang seryosohin ang impoprmasyon upang matiyak ang seguridad ng 24 senador at lahat ng halos 2,000 kawani ng Senado.
 
Bukod sa regular panelling o pag-iikot g K9 o bomb sniffing dogs sa lahat ng sulok ng Senado, mas mahigpit na rin ang inspeksyon sa mga sasakyang pumapasok sa loob ng compound.
 
Nagdagdag din ng mga pulis na naka-standby sa gate ng Senado at mayroon na rin silang inihaharang na security perimeters barriers.

About The Author