dzme1530.ph

HULING ARAW NG SESYON SA SENADO, UMARANGKADA SA BIGLANG PAGDATING NI SEN. CHIZ ESCUDERO

Loading

Umarangkada ang sesyon ng Senado sa kanilang huling araw makaraang biglaang dumating sa Senado si Senador Francis “Chiz” Escudero.
 
Agad namang nagsilbing presiding officer si Senador Sherwin Gatchalian upang buksan ang sesyon na dinaluhan ng 12 senador kaya’t idineklara ang quorum.
 
Inihalal nila si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at magsisilbing acting Senate President hanggang makahalal ng bagong lider.
 
Hindi pa nakapaghahalal ng bagong Senate President dahil kailangan ng labintatlong bilang habang deklaradong bakante ang lahat ng posisyon.
 
Hindi naman napigilan ng audience na magpalakpakan at maghiyawan sa naging aksyon ng Senado ngayong araw na ito.

About The Author