![]()
HANDANG bumaba sa pwesto si Senate President Alan Peter Cayetano kung may makakapagpakita sa kanya na mayroon nang hawak na 13 na boto ang sinumang senador.
Sinabi ni Cayetano na sa ngayon ay ipinapaubaya niya sa Diyos ang kanyang kapalaran at kung may 13 boto na ang minorya ay aalis siya sa kanyang pwesto.
Itinuturing ng senate leader na walk of faith at walking dead ang kanyang senate presidency na mula day one ay tinatarget nang alisin sa kanya.
Hindi rin niya direktang sinagot ang panawagan ng minorya subalit tanong niya sa mga ito kung binigyan siya ng kahit isang oras para sila ay makapag-usap.
Muling binigyang-diin ni Cayetano na hangad nila sa majority bloc ang independence ng Seando kasabay ng paggiit na may nanggigipit sa kanilang mga miyembro upang lumipat ng bakod.
Inimbitahan naman ng lider ng Senado ang minority bloc para sa isang pulong upang pag-usapan ang pagdinig ng Senate Blue Ribbbon Committee sa Huwebes hinggil sa flood control scandal.
