![]()
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kick-off ng Brigada Eskwela 2026 sa National Capital Region (NCR) kaninang umaga.
Kasama ng pangulo si Education Secretary Sonny Angara sa Brigada Eskwela sa Kapitbahayan Elementary School sa Barangay NBBS Kaunlaran sa Navotas City.
Ininspeksyon ni Marcos ang ginagawang paghahanda ng paaralan at safety facilities, at binisita rin nito ang booths ng partner organizations.
Inobserbahan din ng pangulo ang ongoing “Tara, Basa!” session para ihanda ang Grade 2 learners na maging grade-level ready, at lumahok sa literacy activities, kabilang ang storytelling session kasama ang Grade 1 learners.
Ang Brigada Eskwela ngayong taon na tatagal hanggang June 5 ay bilang paghahanda sa pagbubukas ng mga klase sa June 8.
