![]()
Sa post ni Sen. Robinhood Padilla sa social media, binanggit niyang maituturing na “force majeure” ang gyera sa Gitnang Silangan na nagresulta sa oil crisis, ang China-Taiwan conflict na posibleng madamay ang Pilipinas, at ang inaasahang matinding El Niño phenomenon.
Binigyang-diin ni Sen. Risa Hontiveros na ang mga tinukoy ni Padilla ay hindi matatawag na force majeure.
Malayo anya ang gyera sa Middle East sa Pilipinas, at ang epekto nitong krisis sa langis ang siyang mas mabigat na dahilan kaya mas dapat pumapasok sila physically at ginagawa ang kanilang trabaho.
Maging ang kinatatakutang hidwaan anya ng China at Taiwan, global warming, at mga sanhi ng climate change ay matagal nang banta sa bansa at hindi kinakailangang i-online work pa ng mga mambabatas.
Idinagdag pa ng senadora na ang mga ito ay mga isyung dapat nilang trabahuhin “in person” at hindi kailangang bigyan-daan para sa online debate at voting.
