![]()
Inamin ni US President Donald Trump na hindi pa siya kuntento sa terms ng kasunduang pinag-uusapan kasama ang Iran.
Sinabi ni Trump na bagama’t “very much intent” ang Tehran na magkaroon ng agreement para matapos na ang kaguluhan, sa ngayon ay hindi pa nila ito naaabot.
Ilang ulit ding inihayag ng Washington ang kahandaan na ipagpatuloy ang pag-atake kung walang mabubuong kasunduan.
Ginawa ni Trump ang pahayag matapos iulat ng Iranian state TV na mayroon nang details ang draft agreement, kung saan kabilang ang reopening ng Strait of Hormuz at withdrawal ng US forces mula sa rehiyon.
Tinawag ng White House ang umano’y draft agreement na “complete fabrication.”
