![]()
Para kay Sophia Laforteza, ang makaharap ang idolong si Hilary Duff ang isa sa highlights ng American Music Awards 2026.
Sa Instagram Stories, ni-repost ng Filipina singer ang IG photo ni Hilary kasama ang KATSEYE sa awards ceremony sa Las Vegas.
Isa ang Disney icon sa nag-present sa KATSEYE ng kanilang kauna-unahang American Music Award.
Ipinaabot ni Sophia ang paghanga kay Hilary sa pagsasabing “It’s an honor to have you present our award. Love you, my queen.”
Nag-comment din ang Pinay singer sa post ni Hilary at sinabing “You’re the best.”
Nasungkit ng KATSEYE ang New Artist of the Year sa AMAs, at pinerform ang kanilang latest single na “Pinky Up” sa star-studded event.
