dzme1530.ph

NET SATISFACTION RATING NI PANGULONG MARCOS, BUMAGSAK SA RECORD LOW NA -15, AYON SA SWS SURVEY

Loading

Mula sa “neutral,” bumagsak sa “poor” ang net satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).
 
Sa March 24 to 31 survey na nilahukan ng 1,500 adult respondents, 33% ang nagsabing kuntento sila sa performance ng Pangulo habang 49% ang hindi kuntento para sa net satisfaction rating na negative 15 na classified as “poor.”
 
18 percent naman ng respondents ang undecided.
 
Ang latest net satisfaction rating na nakuha ni Marcos ay mas mababa ng 12 points kumpara sa “neutral” negative 3 noong November 2025, kung saan 40% ang satisfied habang 43% ang dissatisfied, at 17% ang undecided.
 
Sinabi ng SWS na panibagong personal record-low din ito na mas mababa sa “poor” negative 12 noong March 2025.

About The Author