dzme1530.ph

6 EDCA projects, inaasahang matatapos ngayong taon

Anim mula sa 16 na proyekto sa limang inisyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ang inaasahang makukumpleto ngayong taon.

Ayon kay Foreign Affairs sec. Enrique Manalo, kabilang sa mga naturang proyekto ang Runway Project sa Basa Air Base, Storage facility sa Mactan Air Base, at Humanitarian Assistance and Disaster Response Warehouse sa Fort Magsaysay.

Kinumpirma rin ni Manalo na limang EDCA projects pa lamang ang natatapos sa ngayon.

Muling inihayag ng kalihim na naglaan ang Estados Unidos ng karagdagang $18 million para funding ng EDCA sites.

Bunsod nito, mahigit $100 million na ang inilaan ng US para sa EDCA projects para sa taong 2023.

About The Author