dzme1530.ph

RESPONSABLENG PANGINGISDA AT MAS MATATAG NA KABUHAYAN, ISINULONG SA “PADAGOS, BULAN”

Loading

Isinulong ang responsableng pangingisda, mas mahusay na paghawak ng isda, at mas matatag na kabuhayan sa lokal na komunidad, sa pamamagitan ng “Padagos, Bulan,” kung saan nakipagtulungan ang parent company na Ligo sa mga partner sa Bulan, Sorsogon.
 
Para sa maraming Pilipino, ang sardinas ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay — isang mabilis na pagkain, mahalagang laman ng pantry, at maaasahang pinagkukunan ng sustansya tuwing kailangan ng pamilya ng pamilyar at nakabubusog na pagkain.
 
Mahigit 600 na mga mangingisda ang lumahok sa training session, kung saan bumuti ang fish rejection rate sa 3% mula sa 13%.
 
Sinuportahan ng local processing activity ang mahigit 3,400 quality manufacturing jobs habang 300 asawa ng mga mangingisda ang nakilahok din sa livelihood training.
 
Umabot din ang programa sa labas ng baybayin, sa pamamagitan ng school feeding efforts, kung saan mahigit 5,300 na mga bata ang nakatanggap ng mga pagkaing mayaman sa protina, at classroom initiative.

About The Author