![]()
Ni-reject ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I ang hiling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na iapela ang desisyon sa confirmation of charges kaugnay ng mga pagpaslang sa madugong war on drugs.
Inihayag ng Chamber na ibinasura nila ang request ng depensa na ibinatay sa dalawang issues.
Ito ay ang “impermissibly flexible approach to the formulations of charges” at “erred in law by failing to articulate a reasoned evidentiary basis for confirming the charges.”
Noong Abril ay kinumpirma ng Chamber ang lahat ng charges laban kay Duterte at pinahaharap ito sa trial, batay sa mga argumento at ebidensya na iprinisinta sa 4-day hearings noong Pebrero.
