dzme1530.ph

AMERICAN EBOLA PATIENT NA INILIKAS SA GERMANY MULA SA DR CONGO, NASA STABLE CONDITION

Loading

Ginagamot sa Germany at nasa stable condition ang isang U.S. citizen na nahawa ng Ebola sa Democratic Republic of Congo, kung saan mahigit 130 katao na ang nasawi dahil sa outbreak ng pambihirang strain ng virus.
 
Kinilala ang pasyente ng Serge Christian Mission Organization na si Dr. Peter Stafford na isang medical missionary.
 
Ayon sa Washington Post, tumanggi umano ang White House na pabalikin sa U.S. ang pasyente, dahilan kaya na-delay ang kanyang evacuation at gamutan.
 
Itinanggi naman ito ng White House, sa pagsasabing inilipad patungong Germany ang pasyente dahil 12 hours itong mas malapit sa DR Congo kumpara sa Estados Unidos.
 
Samantala, inihayag ni Dr. Satish Pillai, incident manager on Ebola response ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention, na anim na iba pang high-risk U.S. citizens ang inalis mula sa DR Congo patungong Germany at Czech Republic.

About The Author