![]()
IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat magkaroon ng independent investigation kaugnay ng nangyaring shooting incident sa Senado nitong May 13.
Sinnabi ni Gatchalian na dapat maimbestigahan ang Senado at ang National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa nangyari sa gitnna ng magkaibang mga pahayag ng dalawang panig sa naging ugat ng putukan.
Ipinaliwanag ng senador na mainam na ipaubaya ang imbestigasyon sa independet body dahil mahalagang malaman sa imbestigasyon kung sino ang nagkamali at ang mga repormang dapat gawin para maiwasan nang maulit ang nangyari.
Tumanggi naman si Gatchalian na magkomento kung may pagkakamali si acting Senate Sergeant at Arms Mao Aplasca sa nangyari.
Gayunman, iginiit ng senador na dapat pagbutihin ang koordinasyon sa pagitan ng NBI, PNP at militar sa ganitong mga operasyon o pangyayari.
