![]()
“All evidence points that there was no attack on the Senate.”
Ito ang binigyang-diin ni Interior Secretary Jonvic Remulla, kaugnay sa shooting incident sa Senado noong nakaraang Miyerkules, May 13, bago ang pag-alis ni Sen. Ronald dela Rosa mula sa gusali.
Kahapon ay iprinisinta ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang timeline ng insidente, simula 5:23 p.m. ng May 13 nang umapela ng suporta sa publiko si dela Rosa, hanggang 2:30 a.m. ng May 14 nang tumakas ang senador mula sa protective custody ng Senado.
Idinagdag ni Remulla na hindi pa masabi kung “staged” ang kaguluhan, subalit ang tanging konklusyon aniya ay walang nangyaring pag-atake sa Senado.
Inihayag naman ng Department of Justice na iba-validate nila ang report at susuriin ang mga timelines at sources ng mga video.
