![]()
Agad-agad na ita-transmit ng Kamara sa Senado ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa sandaling maaprubahan na ito sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Senior Deputy Majority Leader at Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor na tulad nang nangyari noong isang taon, sa sandaling mapagdesisyunan na ang committee report na naglalaman ng impeachment complaint ay aatasan ang secretary general na dalhin na ito agad sa Senado.
Nilinaw naman ni Defensor na hindi makakaapekto sa pagsusulong ng reklamo sa Senado kahit makakuha ng mahigit isandaang boto kontra sa committee report.
Sinabi ni Defensor na 1/3 na boto lamang ng mga kongresista pabor sa impeachment complaint ang kailangan upang tuluyan na itong isumite sa Senado.
