dzme1530.ph

KIM DOMINGO, NAGPALIWANAG KUNG BAKIT ITINAGO ANG KANYANG THAI BOYFRIEND

Loading

Matapos ipakilala ang kanyang Thai boyfriend, ipinaliwag ni Kim Domingo na pinanatili muna niyang pribado ang kanyang buhay dahil nais niyang ilayo sa publiko ang kanilang relasyon.

Kamakailan ay isinapubliko ng aktres ang ilang larawan kasama ang boyfriend upang itanggi ang tsismis na nag-uugnay sa kanya sa isang congressman.

Hindi naman binanggit ni Kim ang pangalan ng kanyang boyfriend at kung paano sila nagkakilala, bagaman ibinahagi niya na tatlong taon na ang kanilang relasyon.

Idinagdag ng aktres na bahala na ang publiko kung maniniwala sila o hindi, dahil kahit itanggi niya, ay mayroon pa ring masasabi ang iba, at marami na rin ang mga humatol agad sa kanya.

Nagtataka kasi ang ilang netizens kung bakit ngayon lang inilabas ni Kim ang boyfriend kung kailan mayroong isyu.

About The Author