![]()
Nais ni Senador Bam Aquino na mabigyan ng mas matibay na suporta ng pamahalaan ang creative industry ng bansa dahil sa malaking potensyal nito na makalikha ng mas maraming trabaho at magpasigla ng ekonomiya.
Ayon kay Aquino, nananatiling isa sa pinakamalalaking lakas ng Pilipinas ang creative sector at nararapat lamang itong suportahan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy at sapat na pondo at pangmatagalang plano mula sa gobyerno.
Ayon kay Aquino, ang pinakalakas na suporta sa mga Pilipinong creatives, artists, content creators, filmmakers, musicians, at designers ay hindi lamang magbubukas ng mas maraming kabuhayan at oportunidad sa trabaho, kundi magpapakita rin ng galing ng Pilipino sa pandaigdigang entablado.
Si Aquino ay isang matibay na tagasuporta ng Pinoy talents. Sa kampanya noong 2022 at 2025 elections, itinampok niya ang mga lokal na artista upang ipagdiwang ang kanilang talento at kakayahan.
Binigyan din niya ng puwang ang lakas ng musikang Pilipino sa People Power 40 Kick-Off Concert.
Kamakailan, inihain niya ang Senate Resolution No. 370 bilang pagkilala sa P-Pop sensation na BINI matapos itong gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino group na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio.
Sa kanyang resolusyon, pinuri ni Aquino ang BINI sa pagdadala ng karangalan sa bansa at sa pagpapakita ng galing at sining ng Pilipino sa pandaigdigang entablado.
