dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NAGPATAWAG NG TRILATERAL MEETING KASAMA ANG PRIME MINISTERS NG CAMBODIA AT THAILAND UPANG MARESOLBA ANG SIGALOT NG DALAWANG BANSA

Loading

Nagpatawag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng trilateral meeting kasama sina Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul at Cambodian Prime Minister Hun Manet upang pag-usapan ang matagal ng border disputes sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa press statement pagkatapos ng meeting, sinabi ni Marcos na nais ng Pilipinas, bilang ASEAN Chair, na magbigay ng lugar para sa dayalogo upang maayos na ang sigalot sa border.

Ibinahagi ng Pangulo na nagkaroon ng candid discussions tungkol sa border situation, sa sidelines ng 48th ASEAN Summit na ginaganap sa Cebu.

Nagkasundo ang Cambodia at Thailand na atasan ang kani-kanilang foreign ministries na ipagpatuloy ang dayalogo upang maibsan ang tensyon na kumitil na ng maraming buhay at nagpalikas sa libu-libong sibilyan.

About The Author