![]()
PINAG-AARALAN pa ni Senador Kiko Pangilinan kung tatanggapin ang alok na maglingkod bilang Senate Impeachment Manager.
Nilinaw ni Pangilinan na hindi pa napag-uusapan ng kabuuan ng Senado ang upsain at suhestyon pa lamang ito sa ngayon.
Ipinaliwanag ngg senador na kung ito ay kanyang tatanggapin, magiging mandato niyang panatalihin ang orderliness o kaayusan sa impeachment trial.
Kahalintulad anya ito ng papel ng court administrator.
Gayunman, binigyang-diin ni Pangilinan na wala pa rules na ipapatupad sa impeachment ang pagkakaroon ng impeachment manager.
Pinag-iisipan pa rin kung kailangan pang amyendahan ang mga patakaran upang ito ay maipatupad.
