![]()
Inakusahan ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang pamilya Recto na umano’y tumanggap ng pondo mula sa contractor sa nakalipas na halalan 2025.
Sa privilege speech ni Leviste, pinangalanan nito si CWS Party-List Rep. Edwin Gardiola na nag-bankroll ng mahigit isang bilyong piso sa kandidatura nina Vilma Santos-Recto, Lucky Manzano, at iba pang kandidato sa lalawigan.
Isiniwalat din nito na noong April 16, 2025, inimbita siya ni Gardiola sa isang dinner sa bahay nito sa Punta Fuego, Nasugbu kasama si Sec. Ralph Recto.
Patunay aniya nito ang mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Facebook.
Sa pulong, hiningi umano ni Gardiola ang kanyang tulong para ikampanya sa 1st District ang ViLucky tandem.
Sa buong lalawigan ng Batangas, nasa dalawang bilyong piso umano ang ibinuhos ni Gardiola para sa ViLucky team.
Tanong ni Leviste sa kanyang talumpati, bakit si Gardiola ang gumagastos sa mga Recto at ano ang ginagawa ni ES Ralph para tustusan ito ng malaki ni Gardiola.
