![]()
Nai-refer na sa Rules Committee ang Committee Report No. 261 ng House Committee on Justice.
Ang committee report ang nagsasaad ng resolusyon para sa Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte, kaakibat ang findings, conclusion, at rekomendasyon ng Justice panel sa pagpapa-impeach sa Pangalawang Pangulo.
Sa Lunes, May 11, inaasahang pagdedebatihan na ito sa plenary hanggang sa pagbotohan kung makararating ito sa Senado para sa trial.
One-third ng 318 House members o katumbas ng 106 ang kailangang boto para maaprubahan ang Articles of Impeachment.
Apat na isyu ang nilalaman ng report: ang misuse o abuse of confidential funds; unexplained wealth; bribery, at graft and corruption noong nasa DepEd pa si VP Sara; at ikaapat, ang threat o pagbabanta sa buhay nina PBBM, FL Liza Marcos, at former Speaker Martin Romualdez.
Tiwala naman si Justice panel chairperson Gerville Luistro na sapat na ang limang araw para maaral nang mabuti ng mga kongresista ang report bago sila bumoto sa Lunes.
