dzme1530.ph

ALAMIN ANG MGA BENEPISYO NG PAGKAIN NG APPLE KADA ARAW

Loading

Kilalang-kilala ang kasabihang “An apple a day keeps the doctor away.”

Ano nga ba ang mga benepisyo para sa katawan kung isasama sa araw-araw na diyeta ang apple?

Ayon sa Department of Health, ang apple ay mayaman sa fiber, vitamin C, at mga antioxidants na nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system at pagpapanatili ng malusog na panunaw.

Ipinaliliwanag ng mga dalubhasa na ang regular na pagkain ng mansanas ay maaaring makatulong sa pagbabawas ng panganib ng mga sakit tulad ng heart disease at type 2 diabetes dahil sa taglay nitong soluble fiber na nakakatulong magkontrol ng cholesterol at asukal sa dugo.

Bukod dito, nakakatulong din ang mansanas sa pagkontrol ng timbang dahil mababa ito sa calories at nakakabusog, kaya’t nababawasan ang sobrang pagkain.

Inirerekomenda rin ng mga nutritionist na kainin ang mansanas kasama ang balat dahil dito matatagpuan ang maraming nutrients at antioxidants.

Ang pagkain ng prutas tulad ng mansanas ay bahagi ng balanseng diyeta at malusog na pamumuhay, na mahalaga sa pag-iwas sa iba’t ibang sakit at pagpapanatili ng pangkalahatang kalusugan.

About The Author