![]()
UMAPELA si Senador Sherwin Gatchalian sa mga kasamahan sa Kongreso na talakayin at aprubahan na ang proposed “GINHAWA” o Granting Increase in Take-Home Pay for All Working Filipinos Act.
Layun ng panukala na tulungan ang middle class na makasabay sa tumataas na presyo ng mga bilihin dulot ng krisis sa Middle East.
Target din nitong mapataas ang take-home pay sa pamamagitan ng pagtaas ng income tax exemption threshold sa P400,000 kada taon mula P250,000.
Inihayag ng senador na magbibigay ito ng malaking ginhawa para sa mga manggagawang PIlipinong nasa middle class.
Alinsuod sa panukala, itataas ang limitasyon ng tax-free bonuses sa P150,000 mula sa kasalukuyang P90,000.
Sinabi ni Gatchalian na lailangan din ng middle class ng tulong para maibsan ang pasakit na dulot ng mataas na presyo ng langis at mga bilihin.
Ang middle class anya ang nagsisilbing lifeblood ng lokal na ekonomiya na nagpapasigla sa domestic consumption at malaki ang ambag sa kita ng gobyerno.
Nakasaad din sa panukala ang pag-alis ng buwis sa mga service charge na natatanggap ng mga manggagawa sa sektor ng serbisyo, gayundin sa mga karagdagang bayad tulad ng overtime pay, holiday pay, night shift differential, hazard pay, at maging sa mga honoraria at allowance ng poll workers.
