![]()
Kasunod ng talumpati ni House Speaker Faustino Bojie Dy III na kumukondena sa fake news, inihain ni House Committee on Public Accounts Chairman Terry Ridon ang House Resolution No. 980 para imbestigahan ang disinformation operations ng Peanut Gallery Media Network (PGMN).
Kaugnay ito sa post ng PGMN tungkol sa Meralco bills na umano’y sumipa ng 900% ang bayarin na naging dahilan ng pag-alsa ng mga consumers, subalit napag-alamang magkaiba pala ng customer account number o CAN.
Nilinaw ni Ridon na “legitimate concern” ang mataas na power rates, ngunit kailangang maihiwalay ang policy issue kumpara sa manipulation of public sentiment.
Pabor si Ridon na agarang tugunan ng pamahalaan ang isyu ng mataas na singil sa kuryente, lalo na ang pagpataw ng VAT at iba pang buwis sa electric bills.
Aniya, kung ito ay ginagamit para sa disinformation na nagdudulot ng galit at frustration sa publiko.
Sa comparison post ng PGMN, ipinakita ang Oct. 6, 2025 Meralco bill na ₱724.47, habang ang isa naman ay Mar. 7, 2026 bill na umabot sa ₱7,009.64.
Nabatid na ang CAN ng Oct. 6, 2025 bill ay 2209188031, samantalang ang Mar. 7, 2026 bill ay 0494824258.
Malinaw na may panlilinlang sa nasabing post dahil hindi naman ito iisa lamang na bahay kundi magkaibang customer.
