![]()
Tanggap na ni Vice President Sara Duterte ang desisyon ng International Criminal Court na ituloy ang paglilitis sa kasong crimes against humanity laban sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aminado ang Vice President na malabo nang bitiwan pa ng ICC ang kaso ng ama.
Sa ngayon anya ay nakapokus na ang kanilang legal team sa paghahanda para sa paglilitis.
Sa kabila naman anya ng confirmation of charges ng ICC, nakita niyang maganda ang kalusugan ng kanyang ama.
Inirekomenda anya niya na sumalang ang ama sa physiotherapy subalit tumanggi ito.
Nagpapasalamat naman ang Bise Presidente sa patuloy na suporta na kanilang tinatanggap mula sa mga patuloy na naniniwala sa kanila.
