![]()
Nagbabala ang Philippine National Police sa publiko na huwag nang subukang pumasok sa six kilometer Permanent Danger Zone sa palibot ng Mayon Volcano na patuloy na nag-aalboroto.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., posibleng maharap sa parusa ang mga lalabag sa polisiya.
Ipinag-utos din ni Nartatez ang pagpapaigting ng visibility at patrol operations sa lugar upang mamonitor ang entry points sa paligid ng Mayon.
Sinabi ng heneral na agad nilang paaalisin at kakasuhan ang mga turista at iba pang indibidwal na papasok sa kordon para sa sightseeing.
Ang mga residente naman anya na mahuhuling pumapasok sa PDZ para sa kanilang pananim ay pababalikin sa evacuation centers.
