dzme1530.ph

MAR ROXAS, KINUKUMBINSING TUMAKBO SA PAGKA-PANGULO SA 2028

Loading

Kinukumbinsi ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice ang kapwa Liberal Party member at dating DILG Secretary na si Mar Roxas na tumakbong presidente sa 2028 national elections.

Sinabi ni Erice na may iba pang mga personalidad na kumakausap kay Roxas na kumandidato sa pagka-pangulo sa susunod na halalan.

Idinagdag ng kongresista na batay sa kanyang pagkakakilala kay Roxas, mahal nito ang Pilipinas at hindi ito tatanggi sa panawagan ng bayan.

Noong 2016 ay natalo si Roxas kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na ikinasama ng loob ng dating opisyal, ayon kay Erice.

Samantala, inihayag ng mambabatas na malinaw ang deklarasyon ni dating Vice President Leni Robredo na ayaw nitong tumakbo sa national position sa 2028, kaya hindi na ito dapat pilitin.

About The Author