dzme1530.ph

HALAGA NG PISO, BUMAGSAK SA PINAKAMABABANG LEVEL SA NAKALIPAS NA WALONG TAON

Loading

Bumagsak sa pinakamababang level sa nakalipas na walong taon ang buying power ng Philippine peso sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority Chief Claire Dennis Mapa, ang halaga ng piso noong Abril ay bumaba sa 73 centavos.

Ito ang pinakamababang level simula noong 2018.

Nangangahulugan ito na ang isang daang piso noong 2018 ay bumaba na sa 73 pesos o ang halaga ng isang libong piso walong taon ang nakalipas ay bumagsak na sa 730 pesos.

Ang purchasing power ng piso ay sinusukat sa real value ng local currency batay sa halaga ng mga produkto at serbisyo.

About The Author