![]()
ISINUSULONG ni Senador Risa Hontiveros ang panukalang naglalayong alisin ang Value Added Tax sa systems loss charges na kasalukuyang sinisingil sa mga consumer sa kanilang buwanang bayarin sa kuryente.
Sa ilalim ng Senate Bill 2076 ng senadora, hindi na papatawan ng VAT ang systems loss charges na ipinapasa ng mga electric utilities sa mga consumer.
Iginiit ni Hontiveros na dapat maiwasan ang anumang dobleng pasakit sa mga Pilipinno ay maiwasan, lalo na sa panahon na patuloy ang pagtaas nng singil sa kuryente.
Sinabi ng senadora na bukod sa dobleng pasakit, insulto ding maituturing ang VAT sa systems loss.
Ipinaliwanag niya na ang panukala ay mag-aamyenda sa National Internal Revenue Code upang hindi na maisama sa mga transaksyong may VAT ang systems loss charges.
Tinutukoy ng systems loss ang pagkakaiba ng kuryenteng naipapasok sa distribution seystem at kuryenteng aktwal na naihatid sa mga tahanan.
Ang VAT anya ay buwis lamang sa mga produkto at serbisyo kaya’t ang systems loss anya ay hindi dapat ituring na produkto o serbisyo na binibili ng konsyumer kaya’t hindi ito dapat patawan ng buwis.
