dzme1530.ph

MAHIGIT 6,000 NA KABAHAYAN SA ALBAY, APEKTADO NG ASHFALL MULA SA BULKANG MAYON, AYON SA GOBERNADOR

Loading

Umabot na sa mahigit animnalibong kabahayan ang naapektuhan ng ashfall kasunod ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano, sa Albay.
 
Ayon kay Governor Noel Rosal, nagdulot ng ashfall ang lava dome collapse noong Sabado, nakaapekto sa mga bayan ng Guinobatan at Camalig.
 
Aniya, kahapon ay personal na tiningnan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang clearing operations at flushing.
 
Sinabi ni Rosal na sa Guinobatan ay nasa isa hanggang dalawang pulgada kapal ng abo.
 
Sa ngayon aniya ay passable na ang Maharlika Highway patungong Naga City.
 
Idinagdag ng gobernador na kailangang magsuot ng N95 na face masks dahil delikado ang ashfall lalo na sa mga bata.

About The Author